Kinasuhan ng grupong Anti-Trapo Movement of the Philippines si LTO o Land Transportation Office Chief Edgar Galvante at iba pa dahil sa umano’y maanolmalyang P180-M transaksyon ng drivers license card.
Kinasuhan sina Galvante at iba pa ng mga paglabag sa anti-corrupt practices act, code of conduct unbecoming of public official and employees, at the government procurement reform act.
Dahil procuring entity umano ang LTO, kinasuhan sina Galvante sa tanggapan ng ombudsman ng mga mayroong administratibo at kriminal na pananagutan.
By Avee Devierte | With Report from Jill Resontoc