Ipinag-utos ni Land Transportation Office Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang pag-iisyu ng nasa 11.8 milyong plaka para sa susunod na apat hanggang limang buwan.
Kasunod ito ng direktiba ni Transportation Secretary Vince Dizon na pabilisin ang pag-isyu ng mga motor plates.
Isa ito sa tinalakay ni LTO Chief Mendoza sa idinaos na seminar sa plate and registration management information system.
Ang nasabing seminar ay dinaluhan ng mga pangunahing opisyal ng ahensya na layong maisaayos ang proseso ng pagpaparehistro ng sasakyan at paglabas ng mga plaka.
Dagdag pa ni LTO Chief Assec. Atty. Mendoza, mahalaga ang ipnanukalang “PRMIS” Para mas maging sistematiko at transparent ang registration.
Makatutulong din ito upang mapabilis ang pag-isyu ng plaka para sa mga bagong biling sasakyan.