Kumikilos na ang LTO o Land Transportation Office para higpitan ang pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho .
Tiniyak ito ni LTO Chief Edgar Galvante matapos nyang segundahan ang obserbasyon ni Senador Tito Sotto na maraming drivers sa Pilipinas ang mga tanga.
Sa ilalim anya ng ikinakasa nilang pagbabago, hindi na pwede ang direktang pagkuha ng professional drivers liscense ng isang student driver hangga’t wala itong sapat na karanasan bilang nonprofessional driver.
Maliban dito, mas mabigat na parusa na rin ang ibibigay sa mga madalas na lumabag sa batas trapiko.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni LTO Chief Edgar Galvante sa panayam ng DWIZ
By Len Aguirre