Maaari nang magpa-appointment online ang mga motorista na na mag-re-renew ng kanilang lisensya o di kaya ay magpaparehistro ng kanilang sasakyan.
Kasunod ito nang inilunsad na “online appointment system” ng Land Transportation Office o LTO noong April 24.
Gayunman, maaari pa lamang magamit ang sistema sa apat na distrito partikular sa Marikina, Muntinlupa, Novaliches at Pasig.
Ayon sa LTO , kailangan lamang i-access o buksan ang www.lto.net.ph para mapakinabangan ang serbisyo.
Target ng LTO na maipatupad ang naturang sistema sa buong bansa bago matapos ang 2018.
—-