Pinabulaanan ng Land Transportation Office (LTO) na naglabas ito ng pahayag na huwag pumasok ng masyadong maaga ang mga mag-aaral sa paaralan.
Ayon sa ahensya “taken out of context” o naiba ang pakakahulugan sa tinukoy nitong obserbasyon sa unang araw ng pagbubukas ng klase noong Lunes, Agosto 22.
Paliwanag ng LTO, ibinahagi lamang nito ang naging sitwasyon sa ilang paaralan na kung saan may mga mag-aaral na panghapon ang maagang pumapasok dahil hindi pa alam ang kanilang class schedule.
Sinabi pa ng LTO na hindi nito minamasama ang desisyon ng mga magulang o mag-aaral sa pagpasok ng maaga sa paaralan.
Matatandaang umani ng batikos ang umano’y pahayag ng LTO na ikinadismaya ng maraming estudyante.