Kumikilos na ang Land Transportation Office (LTO) upang maresolba ang problema hinggil sa isyu ng backlog ng mga plaka ng mga sasakyan.
Ayon kay Atty. Alex Abaton, LTO Special Legal Assistant to the Office of the Assistant Secretary, maghintay lamang ang mga mamamayan gumagawa na ng paraan ang ahensiya upang tugunan ang mga backlogs sa plaka na mula pa noong 2016.
Sa ngayon ay gumagana na ang mga planta kaya’t sigurado ito na magagawa na ang mga plaka ng mga sasakyan.
Samantala, kasama ito sa panukalang pondo na inihain sa kongreso na mahigit anim na bilyong piso upang punuan ang lahat ng backlogs, ngunit P 4.7-B lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).