Magpapalabas ng Memorandum Circular ang LTO o Land Transportation Office para magbigay linaw kaugnay ng patakaran sa pagpaparehistro at operasyon ng mga E-Bike o Electric Tricycles.
Kasunod ito ng naging kautusan ng pamahalaang panglungsod ng Maynila na nagbabawal sa E-Bikes bilang pampublikong transportasyon sa siyudad.
Ayon kay Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Richmund De Leon, kinikilala nila ang kapangyarihan ni Mayor Isko Moreno na kanselahin ang prangkisa ng mga E-Trike sa Maynila.
Nakahanda aniya ang DOTR na tulungan ang lungsod ng Maynila sa pagsasaayos ng Public Transportation System sa siyudad para sa mas maaliwalas na pagbiyahe ng publiko.
Magugunitang ipinagbawal na ni Moreno ang pabiyahe bilang pampublikong transportasyon ng mga E-Bikes sa lansangan ng Maynila matapos ito i-categorized ng MMDA bilang mga laturan.