Nilinaw ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Edgar Galvante, na nakasaad sa batas na libre at walang bayad ang mandatoryong Comprehensive Driver’s Education Program (CDEP) sa renewal ng license.
Kasunod ito ng panawagan ni Cagayan De Oro City Rep. at Deputy Speaker Rufus Rodriguez na ibasura o alisin na ng DOTR at LTO ang CDEP requirement sa pag-renew ng lisensiya ng mga driver dahil hindi naman umano ito kailangan at wala itong legal na batayan.
Pero ayon kay Galvante, ang implementasyon ng CDEP ay mandato sa ilalim ng Republic Act Number 10930 na nagpapalawig sa validity ng mga lisensya hanggang sampung taon at require ito sa renewal applicants.
Isasailalim muna sila sa isang seminar at kinakailangan na pumasa sa validating exam.
Sinabi pa ni Galvante na hindi naman magdudulot ng “undue delay” at “hardship” ang mga driver sa kanilang pagre-renew ng lisensya. —sa panulat ni Angelica Doctolero