Muling nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga online fixer.
Ito ay matapos ang pagkakaaresto ng ilang indibidwal na nag-aalok ng serbisyo para sa non-appearance renewal ng motor vehicle registration sa social media.
Ayon kay LTO Officer-In-Charge Romeo Vera Cruz, inabisuhan na niya ang mga kliyente ng ahensya na iwasan ang pagtangkilik sa mga fixer para sa kanilang proteksyon dahil maaari silang managot alinsunod sa batas.
Nabatid na nakipagtulungan nitong miyerkules ang LTO sa Quezon City District -Anti-Cybercrime Team(QCD-ACT) para mahuli sina Jefferson Uy at Arnel Miranda na umano’y nag-aalok ng naturang ilegal na serbisyo.
Kasalukyan namang sumasailalim sa inquest proceeding sa Quezon City Presecutor’s Office ang mga nasabing indibidwal dahil sa paglabag sa revised penal code on estafa o swindling at ease of doing business and efficient government service delivery act of 2018.