Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) laban sa mga rider participants ng motorcycle taxi pilot study program, na huwag maningil ng dagdag-pasahe na lampas sa itinakdang guidelines ng Technical Working Group (TWG) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Jose Arturo “Jay Art” tugade sa 3 key players ng mc taxi pilot study program na angkas, move it at joyride, na dapat nitong sundin ang mga itinakdang patakaran.
Magsasagawa rin ang TWG ng inspeksyon sa mga pilot participants ng mc upang matiyak ang compliance ng mga ito.
Binalaan din ni Tugade ang mga unauthorized riders o “habal-habal” na parurusahan ang mga ito kapag nagsakay ng pasahero dahil sa colorum na operasyon ng mga ito. – sa panunulat ni Hannah Oledan