Naglunsad ang Land Transportation Office (LTO) ng incident reporting mobile app at isang Central Command Center (C3) na naglalayong tugunan ang mga aksidente sa kalsada at mga motor vehicle crimes.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, maaaring iulat ng mga motorista at ng publiko ang mga krimen at iba pang insidenteng kinasasangkutan ng mga sasakyan sa C3 sa pamamagitan ng mobile app na citisend, na maaaring i-download sa Google Playstore at Appstore.
Samantala, ang LTO C3 ay matatagpuan sa ikaapat na palapag ng LTO Central Office sa East Avenue sa Quezon City. —sa panulat ni Kim Gomez