Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ng dalawang buwan ang validity ng mga ma-eexpire na driver’s license ngayong buwan.
Batay sa anunsiyo ng LTO, ito ay dahil sa pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kaya naman ang mga lisensya na mapapaso ngayong Hulyo ay pinalawig hanggang sa katapusan ng Setyembre.
Maliban dito, pinalawig din ang validity ng student permit, conductor’s license at medical certificate.