Nagkasa ang Land Transportation Office (LTO) ng Anti-Truck Overloading Operation at random drug test sa mga driver sa Valenzuela at Quezon City.
Kaisa ng LTO sa naturang operasyon ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Nakapagtala naman ang mga otoridad ng apat na nagpositibo sa iligal na droga, tig dalawa sa mga nasabing lungsod.
Dahil dito, kinumpiska ang mga lisensya ng mga ito at inaresto dahil sa paglabag sa RA10586 o Driving Under the Influence of Dangerous Drugs.
Samantala, hindi naman bababa sa 50 trucks ang nahuli dahil sa overloading.