Nakatakda nang pumasok sa isang emergency procurement ang land transportation office o LTO
Ito’y para masolusyunan ang backlog sa plaka ng mga sasakyan na tinatayang nasa Pitong milyon
Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, kailangan ito lalo’t lumalala na ang problema at panahon na para aksyunan
Magugunitang nagpalabas ng notice of disallowance ang commission on audit laban sa kontrata ng LTO sa Dutch-Filipino consortium na Knieriem BV goes at power plates development concept na siyang nagresulta sa paglaki ng backlog ng LTO
By: Jaymark Dagala