Pinasisibak ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal at mga tauhan ng Land Transportation Officena (LTO) nakatalaga sa truck weighing scale sa Aritao, Nueva Vizcaya.
Inatasan ng Pangulo si Transportation Secretary Arthur Tugade na ipatupad ang pagsibak sa LTO officials at personnel na una nang inireklamo sa Pangulo ng rice traders mula sa Luzon na nangingikil sa kanila.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagre reklamo ang truck owners na umabot sa milyon ang nakukulimbat sa kanila kada buwan ng LTO.
Halos isang libong truck ang dumadaan sa timbangan kada araw kayat nakokolekta ng mga nangongotong sa kanila na nasa 500,000 piso hanggang Isang Milyong Piso.
Lahat ng truck na may kargang palay, bigas at iba pang agriculture products ay pinapadaan sa weighing scale para matiyak na hindi overloaded.