Inanunsyo ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang muling paglulunsad ng ‘LTO on wheels’ na permanente nang licensing center ng Land Transportation Office (LTO) sa pagrerehistro ng mga sasakyan.
Kung saan, ang mga nasabing serbisyo ay available simula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa ikalawang palapag sa gate 3 ng PITX.
Sa ngayon, ang PITX, DOTr at lto ay maglulunsad na ng Parañaque licensing center sa PITX, kung saan ganap nang makukuha ang full LTO licensing services, mula sa license application hanggang sa renewal at change in classification. —sa panulat ni Kim Gomez