Inanunsyo ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang muling paglulunsad ng ‘LTO on wheels’, na permanente nang licensing center ng Land Transportation Office (LTO) sa pagrerehistro ng mga sasakyan.
Kaugnay nito, muling nag-operate ang “LTO on wheels” services on-site sa renewal ng registration, smoke emission testing at third party insurance application.
Ang nasabing serbisyo ay available simula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa ikalawang palapag sa gate 3 ng PITX.—sa panulat ni Airiam Sancho