Pag-aaralan ng LTO (Land Transportation Office) ang panukala ng MMDA na mag isyu ng plaka na mayruong parehong mga huling numero sa mga motoristang nagpapa-rehistro ng mga bagong sasakyan.
Ayon ito kay LTO Chief Edgar Galvante matapos kumpirmahin ang nais na pakikipag pulong sa kanila ng mmda.
Sinabi ni Galvante na “doable” ang nasabing panukala ng MMDA subalit kailangang lamang magkaruon ng adjustment dito tulad ng proseso nang pag verify ng tunay na may ari ng mga bagong sasakyan.
Tinukoy ni galvante ang dapat na maging batayan o pagbusisi ..halimbawa ang pagkuha ng bagong sasakyan mula sa iisang bahay at i ibahin lamang ang pangalan ng may ari.