Plano ng Land Transportation o LTO na palitan ang disensyo ng kanilang mga iisyung license plates.
Kasunod ito ng pagbawi ng Korte Suprema sa Temporary Restraining Order (TRO) kaugnay ng pamamahagi ng mahigit pitong daang libong (700,000) mga natenggang plaka ng sasakyan.
Ayon kay LTO Executive Director Romeo Vera Cruz, gagawin nilang mas makapal ang gilid ng mga plaka para mas maging matibay ito.
Mananatili aniya ang bar code ngunit hindi na nakasaad sa plaka ang rehiyon kung saan ito inisyu dahil malalaman na agad sa unang letra pa lamang kung saan ito ipinalabas.
Gagawa din ang LTO ng third plate na kasing liit lamang ng calling card at ilalagay sa kanang itaas na bahagi ng windshield.
Sa nasabing third plate, nakalagay na ang Radio Frequency Identification (RFID) at iba pang detalye ng sasakyan tulad ng certificate of registrations.