Pinag-aaralan na ng Land Transportation Office (LTO) na alisin ang Land Transportation Management System (LTMS) na umano’y ginagamit ng mga fixer na makapag-renew ng driver’s license ng ibang aplikante.
Sa pagdinig ng Senate Commitee on Finance para sa panukalang P167.12-B na budget ng Department of Transportation o DOTr, sinabi ni LTO chief Teofilo Guadiz III na 75% hanggang 80% ng mga kumuha ng examination sa ilalim ng LTMS ay hindi mga mismong nagre-renew ng kanilang lisensya.
Sa ilalim ng kasalukuyang set-up, walang facial recognition system ang LTMS para maberipika ng ahensya kung ang aplikante ang talagang sumasailalim sa seminar at kumukuha ng pagsusulit.
Samantala, pinoproseso na ng LTO ang pagkakaroon ng facial recognition at plano rin nito na bawasan ang 15 oras na theoretical seminar.