Binalaan ng Land Transportation Office (LTO) ang publiko laban sa mga nag-aalok ng pekeng lisensya, vehicle registration at car sticker.
Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, hindi lamang mga gumagawa kundi maging ang mga gumagamit o tumatangkilik sa mga pekeng dokumento.
Kabilang sa mga parusang maaaring kaharapin ng gumagamit o tumatangkilik sa mga fake document ay pagbabawal na mag-renew ng driver’s license habang ang mga mahuhuling manufacturer ay kakasuhan sa korte.
Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang lto sa mga bangko upang alamin kung may mga pekeng lisensya na ginagamit bilang identification.