Nais ng Land Transportation Office (LTO) na maging fully digitalized ang ahensya upang mas mapalakas ang serbisyo at mapabilis ang pagtugon ng kanilang ahensya sa mga pangngailangan ng publiko partikular ang mga motorista.
Ayon kay (LTO) Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, sa taong 2024 ay magkakaroon na ng full control ang ahensya sa it system mula sa kasalukuyang it provider nito.
Inamin ni Guadiz na sa kasalukuyan ay mayroon lamang 28 tauhan ang Management Information Division (MID) ng kanilang ahensya at balak pa nila itong dagdagan.
Inihihirit din ng LTO Ang karagdagang tauhan upang malutas ang problema sa MID at para makayanan ng LTO Ang pagpapatakbo ng sariling IT System.
Samantala, naniniwala si Guadiz na ang efficient at fully digitalized LTO Ay paraan upang mas maging maayos at mabilis ang pakikipagtransaksyon sa mga tanggapan nito sa buong bansa. – sa panunulat ni Hannah Beatrisse Oledan