Sisimulan na ng lahat ng tanggapan ng Land Transportation Office o LTO ang pag-iisyu ng driver’s license na mayroong 10 taong validity sa buwan ng Disyembre sa taong ito.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talk to the people na nangako ang lto na lahat ng tanggapan ng driver’s license na may 10 years validity.
Matatandaang simula noong Oktubre 28, sinimulan nang lto main office sa East Avenue, Quezon City ang pag-isyu ng driver’s license na mayroong 10-year validity.
Sinabi nito na magiging hassle free na para sa mga motorista na makakuha ng driver’s license sa bansa.
Dagdag ng Pangulo, magsisimula ang LTO Offices sa Metro Manila na mag-isyu ng driver’s license sa buwan ng Nobyembre na mayroong 10-year validity at susundan ito sa iba’t ibang rehiyon.
Sa ilalim ng Republic Act 10930 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong 2017, sinumang mayroong driver’s license, non-professional man o professional, na walang traffic violation sa nakalipas na limang taon ay maaring pagkalooban ng lisensya na mayroong 10 taong validity period.
Bukod dito, sa pag-renew ng driver’s license, ang mga motorista ay required na kumuha ng Comprehensive Driver’s Education Program o CDEP exam.