Target ng Land Transportation Office (LTO) na ilabas ang implementing rules and regulations (IRR) para sa pagpapatupad ng Motorcycle Crime Prevention Act sa Agosto.
Pinaka-kontrobersyal na bahagi ng batas ang mas malaking plaka sa harap at likod ng motorsiklo at P50,000 multa sa mga motorsiklong walang plaka.
Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, ang tanging pina-plantsa na lamang sa ngayon ay kung anong kulay ang sticker o decal na plaka para sa harap ng motorsiklo.
Sa ilalim ng batas, kinakailangang kitang-kita ang plaka ng motorsiklo hanggang sa layong 15-metro.
Isinasaad sa batas (…), but rather sa harap, kaya ang ibang motorcycle mayrrong tinatawag na cowling, do’n nilalagay. Ang iba naman may fairing, do’n sin nilalagay. Ang nagiging problema lang ‘yung practically suspension nalang no’ng ano, no’ng sa harap and ilaw. Kaya they may had to install parang bracket na hindi naman makakasabagal do’n sa functioning of the absorber,” ani Galvante.
Ratsada Balita Interview