Target ng Land Transportation Office o LTO na makagawa ng labing isang libong (11,000) plaka kada araw o mahigit sa dalawandaan at siyamnapung libo (290,000) kada buwan.
Inihayag ito ni LTO Chief Edgar Galvante, kasabay ng pagsisimula ng operasyon ng sariling planta ng plaka ng LTO.
Ayon kay Galvante, halos apat na milyong plaka ang kailangan nilang punan maliban pa sa plaka para sa mga motorsiklo.
“’Yung sa motorcycle hindi muna natin gagawin dahil merong nakabinbin na batas na paglabas nito maaaring mag-require ng mas malaking size ng plaka na pang-motorsiklo, sa palagay namin ‘yung pitong makina ay sapat na ‘yun at madaragdagan nga ng automated and at a reasonable time ay makukumpleto natin ang backlog at ‘yung mga dumarating na sasakyan.” Pahayag ni Galvante
(Ratsada Balita Interview)