Target ng Land Transportation Office (LTO) na gawing mas mabilis ang proseso ng online registration ng mga motorsiklo.
Mababatid na sa kasalukuyan ay kailangan pang magtungo ng mga motorcycle owner sa tanggapan ng LTO upang magsusumite ng mga registration requirement, pagbabayad at matapos ay saka matatanggap ang kanilang registration sticker o license plate.
Ayon naman kay LTO legal special assistant to the assistant secretary Atty. Alex Abaton, tinitignan na ng ahensiya ang mga feature ng online renewal ng driver’s license pati na rin online registration ng mga motor vehicles.