Tiniyak ng LTO sa publiko na protektado at secured ang kanilang personal information.
Ito’y sa kabila ng ulat na may isang LTO District Office ang nag-o-obliga sa mga kliyente nito na magbigay ng ID at password para sa pag-a-apply ng renewal ng motor vehicle registration sa ilalim ng Land Transportation Management System Company Portal.
Ayon kay LTO Chief Teofilo Guadiz, III, hindi ina-access ng ahensya at mga empleyado ang mga personal account ng kliyente kapag nagpo-proseso ng kanilang transaksyon.
Mag-iisyu anya sila ng comrehensive set ng guidelines para sa paggamit ng ID at impormasyong nakuha mula sa aplikasyon para matiyak ang pagsunod sa data privacy act.
Ipinag-utos na rin ni Guadiz ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing insidente at tiniyak na mananagot ang sinumang empleyado na lumabag sa naturang batas. —sa panulat ni Jenniflor Patrolla