Hinimok ng grupong Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan na panatilihing malakas ang pangangatawan.
Ito’y sa harap na rin ng banta sa kalusugan ng 2019 novel coronavirus (nCoV) kung saan ilang kaso na ang naitatala ng Pamahalaan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon kay Orlando “Ka Lando” Marquez, pangulo ng LTOP, mahalagang mapag-ingat ang mga tsuper mula sa panganib ng nasabing sakit lalo pa’t bantad ang mga ito dahil sa kanilang araw araw na rutina sa kalsada.
Kasunod nito, nakatakdang mamahagi ang LTOP ng mga Vitamin C supplements sa mga tsuper upang matulungan ng mapalakas ang kanilang immune system.
Maliban kasi sa malinis na pangangatawan, isa rin sa mga kinakailangan upang malabanan ang sakit na dulot ng nCoV ay ang malakas at malusog na pangangatawan.