Umapela sa pamahalaan ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na tingnan ang kalagayan ng mga drivers ng pampublikong sasakyan sa bansa.
Ayon kay Orlando Marquez, national president ng LTOP, batay sa datos ng mga organisasyon kasapi ng LTOP, wala pang 20% ng mga kasapi nilang drivers ang nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.
Sinabi ni Marquez na halos hindi rin naman naaksyunan o nabigyan ng ayuda ang listahan na ibinigay nila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Bukas, ika-30 ng Abril, magtatapos ang pamamahagi ng unang tranch ng social amelioration fund na ipinamamahagi sa mga kwalipikado upang makapaghanda sa second tranch na para sa buwan ng Mayo.
Humihiling tayo ng tulong sa ating gobyerno na sana huwag naman nilang pahirapan, dahil may pera naman na inaprubahan an gating kongreso at senado, sana namang makarating sa mga taumbayan na naghihirap na anghihikaos, sana ‘wag mamatay ang mga tao sa gutom,” ani Marquez.