Nag-isyu na ng mga panuntunan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa operasyon ng mga taxi at Transport Network Vehicle Services (TNVS) sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) simula ngayong araw na ito, Mayo 16.
Para sa TNVS operators kabilang sa mga panuntunan ang mahigpit na pagdaan sa online facility o electronic payment ng lahat ng booking at payment at dapat naka rehistro ang mga unit at mayruong valid personal passenger insurance policy.
Kabilang naman sa mga guidelines para sa taxi operators dapat na mayruong internet/web based apps na accredited tnc ang taxi units para sa booking at online payment transactions.
Ipinaalala ng lTFRB ang kasalukuyang polisiya para sa pagtatakda ng pamasahe sa TNVS at taxi.