Higit 35,000 taxi at TNVS ang pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makabiyahe sa Metro Manila makaraang isailalim ito sa general community quarantine (GCQ).
Ayon sa pamunuan ng LTFRB, inaprubahan nito ang pagbyahe ng may kabuuang 18,813 na mga TNVS units at 16,701 na mga taxis.
Ang naturang kautusan ay alinsunod sa memorandum circular 2020-018.
Kasunod nito, ayon sa pamunuan ng LTFRB na walang taas pasahe sa mga inaprubahang magbalik kalsada na mga taxi at TNVS. Cashless transaction na rin ang susundin na mode of payment.
Bukod pa rito, kailangan na ring magsuot ng facemask ang sinumang tatangkilik ng mga serbisyong ito.
Samantala, pinaalalahanan naman ng LTFRB ang mga driver at operator ng mga taxi at TNVS, na sumunod at mahigpit na ipatupad ang mga health protocols kontra COVID-19 pandemic. Ilan sa mga ito:
- ang pagsusuot ng facemask at gloves,
- pag-disinfect bago at matapos ang byahe,
- at ang paglalagay ng mga harang sa pagitan ng drayber at
Mga pasahero nito alinsunod sa seating capacity na itinakda ng pamahalaan.