Nanindigan ang Argentinian boxer na si Lucas Matthysse na siya na ang magpaparetiro fighting Senator Manny Pacquiao.
Ayon kay Matthysse, kayang kaya niyang patumbahin ang 39 taong gulang na dating eight division world champion.
Dahil dito, hindi aniya siya nababahala sa kung sino ang kuning trainer ng Pambansang Kamao.
Iginiit nitong tatalunin si Pacquiao kahit pa aniya kumuha ng pinakamagaling na trainer ang senador.
Ang bakbakang Pacquiao at Matthysse ay gaganapin sa Hulyo sa Malaysia.