Niyanig ng magnitude 7.7 na lindol ang Lucea, Jamaica.
Ayon sa U.S. Geological Survey (USGS), naitala ang episentro ng lindol sa hilagang-kanluran ng Cayman.
Pasado alas-7:10 nang maitala ang lindol na may lalim na 10-kilometro.
Samantala, nakataas na ang tsunami alert matapos ang pagtama ng lindol.