Nasa very low risk classification na ng COVID-19 ang Lucena City sa Quezon.
Ayon sa OCTA Research, aabot na lamang sa 0.79 ang average daily attack rate (ADAR) ng nasabing lungsod habang 3% na lamang ang positivity rate.
Maliban dito, 0.13 na lamang din ang reproduction rate at 15% ang healthcare utilization rate.
Samantala, nananatili naman sa low risk category ang National Capital Region, Angeles, Bacolod, Dagupan, Lapu-Lapu, Olongapo, at Tacloban.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles