Malaki na umano ang ipinagbago ng Tukanalipao, Mamasapano sa Maguindanao tatlong taon matapos ang madugong insidente na ikinasawi ng 44 na SAF Commandos.
Kung dati ay nagsilbing simbolo ng kahirapan sa lugar ang gawa sa kahoy na footbridge sinabi ni Capt. Arvin John Encinas, spokesman ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na makikita na ang malaking pagbabago matapos ikasa ang mga proyekto rito.
Tiniyak ni Encinas na nananatiling naka puwesto sa lugar ang tropa ng 48th Infantry Battalion para magbantay at hindi na maulit ang matinding sagupaan ng mga sundalo at terorista.
Sa ngayon aniya ay patuloy ang koordinasyon nila sa mga residente sa lugar.
Mga aktibidad sa pag gunita ng Mamasapano Massacre handa na
Handa na ang mga aktibidad ng lokal na pamahalaan kaugnay sa paggunita sa ikatlong taon ng Mamasapano Massacre bukas, January 25.
Pangunahin dito ang isang panalangin para sa 44 na SAF Commandos na nasawi sa tinaguriang Oplan Exodus gayundin sa kanilang pamilya.
Layon ng nasabing operasyon na i neutralize at isilbi ang arrest warrant laban sa wanted na Malaysian Terrorist at Bomb Maker Zulkifli Abdhir alias Marwan.