(Updated)
Pinasabugan ang isang lugar malapit sa isang massage parlor sa Cebu City.
Ayon sa PNP-Cebu Station 4, alas tres diyes kaninang madaling araw nang matanggap nila ang report kaugnay sa naturang pasabog.
Sinira ng nasabing pagsabog ang salamin ng massage parlor sa Tres Norte Street sa Barangay Mabolo.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nasabing insidente partikular ang motibo rito.
Samantala, limang minuto matapos ang pagsabog, isang malaking plastic na bote na may lamang ammonium nitrate ang natagpuan ng mga awtoridad sa labas ng isang bar sa Archbishop Reyes Avenue sa Cebu City.
Drug-related incident, tinitingnang anggulo sa pagsabog
Isiniwalat ni PNP chief Oscar Albayalde sa panayam ng DWIZ na maaaring drug-related incident ang naganap na pagsabog sa Cebu City kaninang madaling araw.
Ito, ayon kay Albayalde ay dahil bineperipika pa ng awtoridad ang mga ulat na pagmamay-ari ng umano’y drug lord na si Peter Lim ang establisimiyento na malapit sa pinangyarihan ng insidente.
Ang report lang po sa atin ng regional director doon ay kasalukuyang iniimbestigahan pa ito dahil alam po natin na ang lugar na iyon ay parang it is owned by Peter Lim. Tinitingnan namin ang anggulo na drug-related o drug war incident ito. Paliwanag ni Albayalde
Sinabi rin ni Albayalde na walang relasyon ang naturang pangyayari sa mga nakaraang pagsabog sa Mindanao.
Wala pong ganyan, ibang iba po ito sa mga naganap na pagsabog sa Mindanao. Pahayag ni Albayalde