Hindi magbabago ang posisyon ng PNP sa pagpapatupad ng health safety protocols kahit unti-unti nang nagluluwag ang quarantine status sa maraming lugar sa bansa dahil sa COVID-19.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, buhat pa nang magsimula ang COVID-19 pandemic may nakalatag na aniyang panuntunan sa bawat quarantine status.
Batid naman aniya ng pulisya kung gaano kasabik ang mga kabataan na makalabas ng bahay matapos ang mahigit isang taong pagkakakulong sa bahay, subalit kailangan pa ring maging maingat dahil nariyan pa rin ang banta ng virus.
Kaya tulad ng dati, sinabi ng PNP Chief na babantayan nila ang mga lugar na maaari nang puntahan ng mga kabataan upang maipaalala pa rin sa kanila ang mga pag-iingat para mailayo sila sa banta ng COVID-19.