Nilimitahan ng Manila Police District ang mga freedom parks na maaaring pagdausan ng rally ng mga militanteng grupo na nais magsagawa ng kanilang programa sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Ilan sa tinukoy ni MPD PIO chief major Philipp Ines na mga freedom parks ay ang plaza Miranda sa Quiapo, Plaza Dilao sa Paco, plaza Moriones sa Tondo at Liwasang Bonifacio sa Ermita.
Ito’y makaraang pumalag ang grupong bayan sa pangunguna ni Renato Reyes sa pagbabawal ng pulisya na magsagawa ng rally lalo na sa mga walang permit na ipinapakita.
Paliwanag pa ni Ines, magpapatupad ang kapulisan ng maximum tolerance sa mga magsasagawa ng rally .
Habang ang mga magtatangka naman aniyang makalapit sa national museum na idineklarang ‘no rally zone’ ay kanila namang haharangin.