‘Dalawang kaso lang ng COVID-19.’
ito’y ayon kay Metro Manila Council (MMC) chair at Parañaque city mayor Edwin Olivarez na sapat nang dahilan para isailalim sa granular lockdown ang isang lugar.
Ayon kay Olivarez ang ganitong kahigpit na panuntunan ay sang-ayon sa inilabas na guidelines ng Interior Department para masigurong hindi na kakalat pa ang banta ng COVID-19.
Giit pa nito, ang pagpapatupad ng 2-week granular lockdown ay layong bigyang-daan ang pagsasagawa ng agresibong mass testing, contact tracing gayundin ang isolation sa sinumang mag-popositibo sa virus at mga makakasalamuha nito.