Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na isang lugar na lang sa Metro Manila ang nasa ilalim ng granular lockdown dahil sa COVID-19.
Batay sa report ng PNP, isang residential building sa Quezon City ang naka-lockdown dulot ng banta ng virus.
Nasa 24 na residente ang nakatira sa gusali na kasalukuyang binabantayan ng apat na pulis at apat na
force multipliers.
Mas mababa ito ng 96.96% kumpara sa 33 areas na isinailalim sa lockdown noong Nobyembre a-10.
Samantala, binanggit din ng PNP na sa kabuuan ay nasa 42 lugar ang naka-granular lockdown sa buong bansa na nakakaapekto sa 48 families o katumbas ng 136 individuals.