Dahil sa peligro ng landslide, idineklarang “no man zone” ang Zone 1-4 sa Brgy. Burabod, Libon, Albay matapos ang matinding pinsalang iniwan ng bagyong Kristine sa Bicol Region.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), bawal tumira o magtayo ng bahay o anumang imprastraktura sa nasabing lugar dahil sa “heightened risk” sa paglambot ng lupa rito.
Ang Bicol Region partikular na ang Camarines Sur at Albay ang pinakamatinding napinsala ng bagyong Kristine sa malawakang pagbaha sa nasabing mga lalawigan.