Matapos ang ginawang panghoholdap ng isang suspek sa isang babaeng online seller na tinutukan ng baril at ninakawan sa Caloocan City, isa nanamang panghoholdap ang naganap sa isang lugawan sa Barangay Democracia sa Jaro, Iloilo City.
Sa nakuhang CCTV footage ng mga otoridad, makikitang natutulog ang dalawang bantay nang dumating ang isang lalaking nakasumbrero at nakasuot ng itim na jacket.
Nakuha pa ng suspek na umupo at magpanggap na kostumer saka nagdeklara ng holdap sa mga biktima at kinuha ang kita ng lugawan na nagkakahalaga ng 5,000 piso saka mabilis na tumakas.
Ayon sa may-ari ng lugawan, posibleng minanmanan na ng suspek ang kanilang tindahan at galaw ng kaniyang mga tauhan dahil sa dami ng kumakain.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad para matukoy ang pagkakakilanlan sa suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero