Pumalo sa P8.4 bilyong ang lugi ng DITO- ang third telco player ng bansa na kontrolado ni Davao-based tycoon Dennis Uy mula noong 2020.
Ayon sa proforma statement ng DITO na inihanda ng P and A Grant Thornton, nakasaad na ang telco firm ay may net loss na higit P4.656 bilyong noong 2020 at higit P3.769 bilyon sa unang anim na buwan ng 2021.
Kaugnay dito, naglabas ang kompanya ng limamput dalawang libong milyong piso kaugnay sa layunin ng nito na maabot ang 5 milyong subscribers at services sites sa buong bansa sa pagtatapos ng 2021.
Matatandaang nagsimulang mag-operate noong nakaraang Marso ang DITO. —sa panulat ni Airiam Sancho