Posibleng umabot sa mahigit P1-trilyon ang lugi sa ekonomiya ng bansa dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y sa pagtataya ni Marikina Representative Stella Quimbo dahil sa epekto ng ECQ sa mga negosyo sa bansa.
Sinabi ni Quimbo na nanganganib maapektuhan ng krisis dahil sa COVID-19 ang nasa 29-milyon sa 41-milyong nagtatrabaho sa bansa.
Nakadepende pa umano ito sa lagay at kakayahan ng kumpanya kung pagkatapos ng lahat ng ito ay gaano kabilis silang babangon kasama ng kanilang mga empleyado.