Umabot na sa halos P3B ang lugi ng pork industry mula nang makumpirma ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa noong Agosto.
Ayon sa Agriculture Crisis Management team on ASF head Dr. Reildrin Morales, ito ay batay sa datos na nakalap sa mga negosyante na nakabebenta ng 3,000 baboy kada araw.
Aniya, lumalabas na P1B kada buwan ang nawawala sa kita ng hog industry dahil halos P30M ang income loss ng mga magbababoy.
Matatandaang nagsimulang bumaba ang bentahan ng pork products mula nang pumutok ang isyu ng ASF sa bansa.