Pinangangambahang papalo sa 55 bilyong piso ang lugi ng processed meat industry sa bansa.
Ito ang inihayag ng Philippine Association of Meat Processors Incorporated o PAMPI kung patuloy na ipagbabawal ng ilang mga lokal na pamahalaan ang pag-angkat ng mga produktong karne ng baboy mula sa Luzon.
Ayon kay PAMPI Spokesperson Rex Agarrado, 56 sa 81 mga probinsya sa buong bansa ang nagpapatupad ng ban ng mga karneng baboy sa kani-kanilang mga nasasakupan dahil sa pangamba ng African Swine Fever.
Kasabay nito, hinimok ni Agarrado ang mga local government unit’s na gawing makatuwiran ang pagpapatupad ng mga pork ban.
Iginiit pa ni Agarrado, hindi “carrier” o nagdadala ng African Swine Fever ang mga processed meat products dahil sumalang na aniya ito sa proseso kung saan ginamitan ng temperatura na kayang pumatay ng mga organismo.