Pumalo na sa tinatayang P8-bilyon ang lugi ng mga sektor ng turismo magmula noong isailalim sa community quarantine ang ilang lugar sa bansa bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon, bumagsak aniya ng 40% ang tourists arrivals sa bansa nitong unang quarter ng taon.
Dagdag pa ni Bengzon, base sa datos ng kagawaran, pumalo na ng 30,000 hanggang 40,000 hotel rooms sa Metro Manila ang naapektuhan ng COVID-19 crisis na nagresulta ng hindi nila pagtanggap ng mga hotel guests maliban na lamang sa mga health workers at ibang essential workers.
Kasunod nito, ayon sa kagawaran, patuloy ang pagbibigay nila ng ayuda katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawang mula sa sektor ng turismo na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa mga ipinatutupad na health protocols at community quarantine kontra COVID-19.
Samantala, sa pinakabagong datos, nasa higit 100,000 tourism workers na ang nakakatanggap ng ayuda sa gobyerno.