Namemeligrong lumobo sa 2 trillion dollars ang malulugi sa global tourism ngayong taon dahil sa Covid-19 pandemic.
Ito ang inanunsyo ng World Tourism Organization (WTO) makaraang makapagtala ng mas maraming kaso ng panibagong variant na Omicron sa europa at ibang panig ng mundo.
Ayon sa W.T.O., mananatiling mas mababa ng 70 hanggang 75 percent ang international tourist arrivals ngayong 2021 kumpara sa naitalang 1.5 billion arrivals noong 2019 o bago tumama ang pandemya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nababatid ng naturang U.N. body kung lalago muli ang sektor ng turismo sa susunod na taon.—sa panulat ni Drew Nacino