Nagsisimula nang magplano para sa kanilang kasal ng kanyang non showbiz girlfriend si Luis Alandy.
Sa ngayon wala pang tiyak na petsa ngunit nais ng aktor na ganapin ang kanilang pag-iisang dibdib sa susunod na taon.
Sinabi ni Luis na nais lamang nilang maging intimate ang kanilang kasal lalo’t non showbiz ang kanyang fiance na si Joselle Fernandez.
Pero nilinaw ni Luis na hindi ito sobrang intimate gaya ng kasal ni Cristine Reyes na kakaunti lang talaga ang imbitado.
Sinabi ni Luis na malaki ang kanilang pamilya at may mga manggaling din sa ibang bansa sa araw ng kanilang kasal.
Masaya si Luis sa kanyang the one lalo’t kasundo nito ang pamilya nito.
By: Ralph Obina