Nagpasaklolo na ang TV host-actor na si Luis Manzano sa National Bureau Investigation upang imbestigahan ang Flex Fuel Petroleum Corporation.
Nagpadala ng liham ang aktor kay NBI Director, Atty. Medardo De Lemos sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Regidor Caringal noon pang November 8, 2022.
Ayon kay Luis, nagdesisyon siyang alisin na ang kanyang interes at nag-resign na rin bilang Chairman of the Board ng mga korporasyon ng ICM Group na pinamumunuan ni Ildefonso “Bong” Medel.
Si Medel ay isa sa mga malapit na kaibigan at chief executive officer ng ICM Group na nagpapatakbo rin ng Flex Fuel.
Aminado ang aktor na marami umanong investors ng flex fuel ang lumalapit sa kanya upang mabawi ang mga perang inilagak sa naturang kumpanya.
Samantala, itinanggi rin ni Manzano na sangkot siya sa scam o itinakbo ang P100M na pera ng mga investor at sa katunayan ay si Medel ang may utang sa kanya na P66M.